Luli hindi papasok sa pulitika

PINABULAANAN ngayon ni dating Presidential daughter Luli Arroyo-Bernas na papasok na siya sa mundo ng politika.

Reaksyon ito ni Bernas matapos lumabas ang mga balitang posibleng siya ang pumalit sa kaniyang ina na si dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bilang kongresista sa ikalawang distrito ng Pampanga sakaling hindi makatakbo ang dating pangulo dahil sa karamdaman.

Sinabi ng tagapagasalita ni GMA na si Elena Bautista-Horn, wala umanong katotohanan na si Luli ay tatakbo bilang kongresista sa 2013 elections kapalit ng kanyang ina.

Naunang sinabi ni House Minority Leader Danilo Suarez na may posibilidad na si Luli ang pumalit kay GMA sakaling hindi ito makatakbo bilang kongresista  dahil sa kondisyon nito.

Ipinaliwanag ni Horn na sa susunod na linggo ay maghahain si GMA ng certificate of candidacy (COC) upang muling kumandidato at kung papalarin ay magiging ikalawang termino na niya ito bilang kinatawan ng 2nd district ng Pampanga.

Giit ni Horn na walang interest si Luli sa politika at mas gugustuhin nitong maging pribado ang kaniyang buhay at housewife lamang.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply