Lying-in dapat dagdagan – PHM

HINILING ng People’s Health Movement (PHM) na dagdagan ang lying-in o paanakan, kasunod ng ‘no home birthing policy’ ng Department of Health (DOH).

Iginiit ng People ‘s Health Movement ang kahilingan, kasabay ng isinusulong ng Dept. of Health na ‘no home birthing policy’ na sinasabing sagot sa problema sa maternal mortality sa bansa.

Sinabi ni People’s Health Movement-Phils. Dra. Delen Dela Paz na wala namang masama kung magkaroon man ng tinatawag na ‘hilot’ na kadalasang nagpapa-anak sa mga buntis lalo na sa mga kanayunan.

Ipinaliwanag nito na mas mabuting may maraming lying-in facilities sa mga komunidad na maaaring magluwal ng ligtas ang isang manganganak.

Hindi rin naman tamang sisihin ang mga mangangak kung sa bahay man ito magsilang dahil dito na silang maaring naabutan o dito sila mas komportableng magsilang ng sanggol.

Kasabay nito,  pinayuhan ng ng grupo ang publiko na kung maari ay sa mga trained midwife o komadrona at sa mga tamang lying-in facility manganak upang maiwasan ang komplikasyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply