Mababang rating ng PHL colleges, universities isinisi sa gobyerno

ISINISI sa gobyerno ang mababang rating ng Pilipinas sa mga college and universities sa buong mundo

Hindi nakarating sa top 300 na mga de kalidad na unibersidad sa Asya ang mga kilalang state colleges and universities ng Pilipinas.

Sinabi ni Prospero De Vera, UP Vice-President for Public Affairs na ang mahinang suporta mula sa gobyerno ang itinuturong dahilan ng mababang rating ng bansa.

Batay sa pag-aaral ng Quacquarelli Symonds bumagsak sa top 338 ang University of the Philippines na dating nasa 332nd na listahan.

Ang Ateneo de Manila University ay bumaba sa 451-500 bracket mula sa ranggong 360 noong nakaraang taon, bumaba rin ang De La Salle University at University of Sto. Tomas na kasalukuyang nasa 601 plus bracket mula sa 551-600 bracket.

Samantala, kabilang sa top 10 schools na namamayagpag sa larangan ng edukasyon ay ang Harvard University, University College of London, University of Oxford, Imperial College London, Yale University, University of Chicago, Princeton University and the California Institure of Technology.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply