Mabuhay ka Gen. Espina at Camanava collectors

MASASALAMIN sa unang kautusan ng bagong luklok na direktor ng National Capital Region (PNP-NCR) ang  kanyang tunay na layunin.

Ang tinutukoy natin, parekoy, ay si C/Supt. Leonardo Espina na nag-utos sa buong kapulisan ng NCR na huwag maghahain ng “warrant of arrest” kung weekends sa sinomang media practitioner sa kasong libel.

Alam kasi ni Gen. Espina na maraming pulis na galit sa media ang sinasamantala kung may aresto ang mga ito para makapaghiganti.
Ang gusto ni Gen. Espina ay tumutok sa trabaho ang PNP at hindi sa benggansa!

Pangalawa, nagpapahiwatig, parekoy, si Gen. Espina na handa ang kanyang opisina na makipagtulungan sa media upang higit na mapabuti ang serbisyo ng pulisya.

Sa totoo lang, hindi natin ugaling pumuri sa pitak na ito, pero rito sa kautusan ni Gen. Leonardo Espina sa unang araw ng kanyang pag-upo bilang NCRPO chief, ay obligado tayo, parekoy, na hangaan ito at halos ay inaasahan na natin ang pakikipagtulungan ng media upang mapaganda ang serbisyo ng mamang ito.

Mabuhay ka, Gen. Espina. Sir, sana ay maikintal sa isipan ng iyong mga pulis ang sustansya ng iyong kautusan!!!

-o0o-

MALUNGKOT sina Major Lleva at P03 Jojo Cruz sa pag-upo ng bagong direktor ng NCRPO na si Gen. Espina.

Kasi nga naman halos alam na nilang hindi ito “tengang-kawali” sa mga sumbong sa iligal na gawain ng mga pulis.

Hindi gaya ni NPD Director C/Supt. Antonio Decano na kahit tadtad na ng reklamo kaugnay sa collection activities ng dalawang pulis na ito ay tahimik pa rin at pakuya-kuyakoy!!!

Naghihinala tuloy ang mga taga Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela na posibleng “bagman” nga ni Decano itong si Major Lleva at si Cruz naman ang collector!

Sa mga darating na araw ay ating dadalhin kay Gen. Espina ang mga sumbong laban sa dalawang pulis.

Bilang na ang mga araw ninyo! Hak, hak, hak!!!

-o0o-

Pakinggan sa DZME-1530Khz ang aking programang  “Alarma kinse trenta” (Monday-Friday, 5-6pm). Para sa inyong reaction: 09098992775.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply