Macho guwapitong Mar sa DILG

ANG pagkakatalaga raw ni Mar Roxas bilang kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ay paghahanda sa dalawang darating na halalan, ang local at national elections.

Hindi natin pagdedebatihan ang bagay na iyan. Natural lang na ang isang political party ay maghangad na makontrol ang Malakanyang, ang Congress, ang judiciary at ang Puno ng mga probinsiya at bayan.

Oooops, wrong typing lang. Hindi po capital P ang puno. Si Puno ng DILG last week ay ang boss ng interior at si Jess Robledo ang boss ng local governments.

Sa China nga, ang communist party ay hindi na yata mabubuwag. Sa Amerika ay halinhinan lamang sa kapangyarihan ang Democrats at Republicans. Ah, ganoon din sa Britanya, sa Russia, sa Japan.

Siyempre, kakaiba sa Pinas. Dati ay ang mga Liberal at mga Nacionalista lamang ang nagde-decide kung sino ang magiging Pangulo ng bansa. Pero binago ito ni Ferdinand Marcos nang mag-declare siya ng martial law.

Itinatag niya ang Kilusang Bagong Lipunan (KBL) at binuwag niya ang political parties katulad ng LP at NP. Ganoon pa man, may mga bagong partidong nagsulputan, katulad ng Laban na kalaban ng KBL.

Ang Laban ay naging PDP-Laban dahil nagsanib ang Laban at ang PDP (Philippine Democratic Party). At kayrami pang nabuong mga partido, katulad ng Lakas-Laban, Lakas-Kampi (lakas maka-asar daw) at iba pa upang makamtan ang kapangyarihan.

Si Mar Roxas, anak ng yumaong senador na si Gerry Roxas at apo ng dating Pangulong si Manuel Roxas, ay nanatiling LP pero kaanib ng ibang mga partido. Si Mar ay naging kaanib ni Mrs. Corazon Aquino, ni Erap Estrada at ni Gloria Macapagal Arroyo.

Naging secretary of trade and industry (DTI) si Mar noong panahon ni Erap ng Partido ng Masang Pilipino.

Nang pumalit si Gloria, patuloy siyang  naging DTI secretary hanggang sa nagkaasaran na sila at tumakbo na lamang siyang senador na naging No. 1 naman sa paramihan ng boto, pinakamarami in history.

Ngayon nga ay pangulo siya ng LP na kung saan ay miyembro si Pangulong PNoy. Sila ang mag-best friend forever maski na sa larangan ng romansa at pag-ibig.

Si Mar, bago siya inilipat sa DILG, ay kalihim ng Department of Transportation and Communications (DOTC).

Ano kaya ang lihim ni Mar? Lihim nga eh, secret. Kaya nga siya secretary. Confidential yan.

Pang macho ba ang DILG? Ang alam ko, guwapito si Mar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply