Mag-aaral na may ‘suicidal tendency’ bantayan – CEAP

HINIMOK ni Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) President Fr. Gregg Bañaga ang mga school administrator at mga guidance counselor na bantayang mabuti ang kanilang mga mag-aaral na may ‘suicidal tendency.’

Ang panawagan ni Bañaga, pangulo ng Adamson University ay kasunod ng ulat na tumataas ang suicide incidence sa mga batang Pinoy, partikular na yaong nasa school-going age o age group na 5-14 at 15-24.

Bagamat hindi sila pamilyar sa report ng National Statistics Office (NSO) hinggil sa pagtaas ng suicide rate sa mga batang Pinoy sa nakalipas na 21 taon, kinumpirma naman ni Bañaga na ang mga mag-aaral sa ngayon ay mas ‘prone’ sa disappointment o pagkadismaya, may ‘low coping mechanism’ sa stress at negativity, nangangailangan ng motibasyon at nais na makamit ang mga ninanais sa madaling paraan.

Umapela rin naman si Bañaga sa administrators ng mga member-schools ng CEAP na alertuhin ang mga guidance counselor at tukuyin ang kanilang mga mag-aaral na ‘stressed out’ at may suicidal tendencies.

Sinabi nito na dahil iilan lamang ang mga rehistradong guidance counselors na tumitingin sa daan-daan nilang estudyante, dapat aniyang gamitin ng school directors ang kanilang background sa psychology upang mabigyan ng counseling ang mga problemadong estudyante.

Batay sa record ng NSO, ang suicide rate mula 1984 hanggang 2005 ay tumaas mula 0.46 hanggang pito sa bawat 200,000 lalaki habang umakyat din mula 0.24 hanggang dalawa sa bawat 200,000 babae.

Si Dr. Dinah Nadera, isang psychiatrist at associate professor ng University of the Philippines’ Open University, ang nagsabi na ang increasing trend ng suicide ay kapansin-pansin sa mga kabataan.

Sa isang hiwalay na pag-aaral naman, lumitaw na may 300 kaso na naitala sa mga ospital at mga pulis noong 2008 at 2009 ang nagsasaad na karamihan sa mga suicide incidents ay nagaganap sa panahon ng bakasyon sa mga tahanan, partikular na kung Lenten season, kung kailan ang mga Katoliko ay nagpa-fasting, nananalangin at nagpepenitensiya.

Kalimitang paraan nang pagpapatiwakal na ginagamit ay ang pagbibigti, strangulation at suffocation.

Hindi naman umano lahat ng kaso ay dulot ng depresyon kundi maging kawalan ng trabaho at mababang sweldo, medical condition at marital status.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply