Mag-amang rebel returnees inambus sa Agusan del Norte, todas

NAGKABUTAS-BUTAS ang katawan ng isang mag-amang rebel returnees nang ratratin ng mga pinaghihinalaang rebeldeng New People’s Army (NPA).

Nakilala ang mga biktima na sina Alfredo Antong, 57, at Mario Antong, 37, kapwa may-asawa, at magsasaka na naninirahan sa Barangay Mahaba, Cabadbaran City sa lalawigan ng Agusan del Norte.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 4:30 nitong Huwebes ng hapon ilang metro lamang ang layo sa bahay ng mag-ama.

Sa imbestigasyon, tinambangan ang mag-ama ng mga armadong rebelde bilang ganti sa pagtiwalag ng magama sa kanilang kasamahan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply