Pamilya minasaker ng ama bago nag-suicide

HINIHINALANG nasiraan ng bait ang isang ama kaya nagwa nitong patayin sa taga at saksak ang kanyang live-in partner at dalawang anak bago nagpakamatay sa pamamagitan ng paglaslas sa kanyang leeg, ayon sa ulat ng Batangas PNP kahapon.

Sa report na nakarating sa Camp Crame ay kinilala ang ama na si Feliciano Gomez, 27-anyos; habang ang kanyang mga biktima ay ang kanyang live-in partner na si Shery Anne Mendoza at mga anak na sina Angelyn Gomez, 2-taong gulang at Angelica, 1.

Ayon kay Superintendent Jeremias Aglucu hepe ng Tanauan Police naganap ang pagmasaker sa pamilya sa loob mismo ng kanilang tahanan sa Barangay Janopol Oriental, Tanauan City, Batangas.

Base sa inisyal na pagsisiyasat nagwala si Gomez, matapos na sitahin ang kanyang kinakasama at sinasabing nagseselos ito.

Dahil sa tindi umano ng panibugho ay nawala sa katinuan ang suspek at pinagtataga ang buong pamilya gamit ang karit at ng makitang hindi na gumagalaw ang kanyang mag-iina ay tinaga nama nito ang
sariling leeg.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply