Mag-asawa, mag-ama, 13 pa timbog sa buy-busts ng PDEA

ARESTADO kamakalawa ang isang mag-asawa sa isinagawang buy-bust operation ng mga anti-narcotics agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Ilocos Sur.

Kinilala ni PDEA Director General Jose S. Gutierrez ang mga suspek na sina Ronnie Jasmin, 28 anyos, at ka-live-in na si Anna Rose Salimao, 31 anyos, na huli sa aktong nagbebenta ng methamphetamine hydrochloride, o shabu sa isang poseur-buyer sa kanilang bakuran sa Barangay Ayusan Norte, Vigan, Ilocos Sur.

Kabilang umano ang dalawa sa PDEA’s Order of Battle sa  Ilocos Region.

Nakumpiska sa mag-asawa ang dalawang sachet ng shabu at P1000 marked money na gagamiting ebidensiya laban sa dalawa.

Arestado rin ang isang Helen Cabonita, 33 anyos, dating OFW, subalit nakatakas ang asawa na kinilalang si Dante Agpua matapos magkabentahan ng shabu sa pagitan ng isang poseur buyer sa Barangay Klasuyan, Kidapawan City, North Cotabato.

Ang mga arestado ay nahaharap sa kasong paglabag sa  Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) and Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng  Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002,

Mag-ama, 12 pa ng tulak

Samantala, isang mag-ama at 12 iba pa na tulak ng shabu at nasa talaan ng drug personalities sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasakote sa magkakasunod na operasyon sa Saray, Iligan City noong September 24, 2012.

Kinilala ni Gutierrez, Jr. ang mag-ama na sina Jessie Omamos, 59 anyos, at 22 anyos nitong anak na si  Gabriel Omamos, na nadakip ng mga elemento ng PDEA Regional Office 10 (PDEA RO10) sa isang buy-bust operation  sa  P-3, Barangay Saray, Iligan City.

Nakuha sa mag-ama ang 3 sachet ng shabu, mga drug paraphernalias at 4 na unit ng video karera.

Sa kasunod na operasyon, 12 iba pang mga adik ang nasakote nila na kinabibilangan nina Amir Ansao, 37 anyos ; Hadji Fais Mambuay, 53; Francisco Barago, 36; June Jimenez, 42; Rene Reondon, 30; Junjie Enomar, 24; Rosito Sagusay, 47; Lloyd Joey Nogas, 29; Junjie Magsayo, 22; Jovanie Magsayo, 19; Crismar Lluisma, 34; at Arnold Reondon, 28.

Nahaharap ang mag-ama sa mga kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) in relation to Section 26 (Conspiracy), Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) at Section 12 (Possession of Paraphernalia), Article II of Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kakasuhan din ng paglabag sa Republic Act 9165 ang iba pang nahuli depende sa resulta sa isinasagawang laboratory drug examination.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply