Mag-asawa todas sa landslide sa Cebu

NAMATAY ang mag-asawa nang masira ang kanilang bahay sa naganap na landslide bunsod ng malakas na ulan sa Cebu kagabi.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, naganap ang insidente bandang alas-6:20 ng gabi sa Sitio Pangilatan, Barangay Cantao-an, Naga City, Cebu.

Nakilala ang mag-asawa na sina Dionisio Villarmia, 42, at Juliana, 47.

Habang nakaligtas naman ang apat nilang anak na kasalukuyang nasa kustodiya na ng City Social Welfare and Development Office.

“(The Villarmia family was) about to sleep when the house that was made of light materials was hit by rushing boulders due to soil erosion,” pahayag ng NDRRMC.

Narekober ng mga local police na rumespunde sa naganap na landlisde  ang katawan ni Gng. Villarmia bandang alas-8:00 ng gabi habang naisugod pa sa  Minglanilla District Hospital si Dionisio ngunit hindi na naisalba ang buhay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply