Mag-asawa todas sa riding-in-tandem

PATAY ang isang mag-asawa nang dikitan sila at pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek sakay ng motorsiklo sa Davao del Norte sa ulat ng pulisya.

Sa report na nakarating  sa Camp Crame, kinilala ng mag-asawang biktima ng pamamaslang na sina Adriano Razonable, 60 at Generosa, 52, ng Barangay Apokon , Tagum City.

Kapawa idineklarang dead on arrival ang mag-asawa sanhi ng mga tama ng punglo mula sa hindi pa nakikilaklang mga salarin na nakasakay sa isang motorsiklo.

Sa pagsisiyasat , sakay ang mga biktima ng kanilang berdeng multi cab habang tinatahak ang kahabaan ng Tagum-Mati National Road nang habulin at dikitan ng mga suspek.

Pagsapit sa may Barangay Apokon ay pinagbabaril ang daalwa gamit ang kalibre 45 pistola.

Blanko pa ang mga imbestigador ng Davao Del Norte PNP sa motibo ng mga suspek sa pamamaril habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon para sa pagkakilanlan ng mga salarin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply