Mag-asawang Marzan, kakastiguhin sa kulungan

IPATITIKIM din ng mga preso sa Quezon City Jail (QCJ) at sa Camp Karingal detention cell sa ‘torture couple’ ang pananakit na ikinasa nila sa kanilang kasambahay.

“Kung ayaw nilang matikman ang pananakit nila kay Bonita Baran, dapat umaayos ang mag-asawang Marzan  habang sila ay nakakulong dito sa amin, pahayag ng ayaw magpakilalang lalaki at babaeng preso.

Kahapon lamang, dinala si Analiza sa female dormitory ng Camp Karingal habang  ang mister nitong si Reynold ay idineretso sa QCK na kapwa ikinulong ng isang araw sa Senate detention cell.

Sa magdamag na pamamalagi ni Analiza, nabatid na walang imik ito at lagi lamang nakahiga sa kanyang kama habang si Reynold  naman ay tahimik lang din sa kanyang selda.

Ang mag-asawang Marzan ay nahaharap sa kaso sanhi ng pananakit kay Baran sa loob ng 5 taong paninilbihan nito sa kanila. Ayon kay Baran, plinantsa ni Analiza ang kanyang mukha.

Hiniling ng mag-asawang Marzan kay Judge Germano Francisco Legaspi ng Quezon City Regional Trial Court Branch 77, na sa  National Bureau of Investigation (NBI) na lamang sila ikulong na kanilang pinagsukuan.
Nauna nang nagpalabas si Legaspi ng  warrant para sa mag-asawang Marzan sa kasong serious illegal detention, isang non-bailable offense.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply