Mag-asawang nagmaltrato sa maid nagtatago na

PINANINIWALAANG nagtatago na sa batas ang mag-asawang nagmaltrato sa kanilang kasambahay na humantong para ito mabulag.

Sinabi ni Senate Sergeant-at-Arms retired Gen. Jose Balajadia na ang mag-asawang sina Annaliza at Reynold Marzan ay wala na sa huling address nito sa Las Villas de Cielo sa Visayas Avenue para isilbi sana ang arrest order ng kanyang mga tauhan laban sa mag-asawa.

Ayon sa mga Barangay officials na inabandona na ng magasawang Marzan ang kanilang bahay simula nang lumabas sa mga pahayagan ang pagreklamo ng kanilang danting kasambahay na si Bonita Baran, 21-anyos.

Bukod sa nawalang parang bula, nadiskubre rin ng kanyang mga tauhan na ang elektrisidad sa bahay ng Marzan couple ay putol na rin.

Nauna nang nilagdaan ni Senate President Juan Ponce Enrile ang warrant of arrest laban sa magasawa.

Ibinasura naman ni Judge Germano Francisco Legaspi ng Regional Trial Court Branch 77 ang mosyon na isinampa ng abugado ng mag-asawa na si lawyer Jesus Fernandez, na ipawalang-bisa ang arrest warrant na ipinalabas laban sa kanila.

Nangako naman si Fernandez na papayuhan niya ang kanyang mag-asawang kliyente na harapin ang reklamo sa kanila sa korte.

Ang mag-asawang Marzan ay nahaharap sa kasong illegal detention at serious physical injuries dahil sa pagmaltrato kay Baran.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply