Mag-asawang nagmaltrato sa maid sa QC sumuko na

SA TANGGAPAN ng National Bureau of Investigation (NBI) sumuko ang mag-asawang nagmalupit sa kanilag kasambahay sa Quezon City.

Ayon kay NBI Director Atty. Nonatus Rojas, lumutang ang mag-asawang sina Annaliza at Reynold Marzan sa NBI ngayong tanghali, isang buwan matapos silang magtago sa awtoridad kaugnay sa kasong isinampa laban sa kanila ng kanilang maid na si Bonita Baran.

Ang kaso ni Baran ay dinidinig na ngayon sa Senado kung saan ipinapatawag na ang mag-asawang Marzan upang maibigay ang kanilang panig sa isinasagawang imbestigasyon.

Matatandaan na nagreklamo si Bonita dahil sa pambubugbog, pagpapakain ng mga sirang pagkain at pagkukulong sa kanya ng mga amo sa bahay ng mga ito.

Ang mag-asawang Marzan ay nahaharap sa kasong attempted murder, serious physical injuries at illegal detention.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply