Mag-asawang nagtortyur sa maid ipinatutugis ni Lim

INIUTOS ni Manila Mayor Alfredo Lim ang pagsasagawa ng manhunt operation laban sa mag-asawang Analiza at Reynold Marzan na tumorture sa kanilang kasambahay sa Quezon City.

Ito ay makaraang humingi ng tulong si Atty. Persida Acosta, hepe ng Public Attorney’s Office (PAO), kaugnay sa impormasyon na  nagtatago sa Maynila ang mga suspek.

Ang mag-asawa ay nahaharap sa kasong attempted homicide at serious illegal detention makaraang ireklamo ng kanilang naging kasambahay na sina Bonita Boran.

Nabatid na ang mag-asawa ay nakatira sa 75 Las Villas del Cielo Vizayas Avenue, QC.

“Inutusan ko na si Colonel  Robert Po na magtatag ng Task Force na tututok sa kasong ito para sa agarang pagkakadakip sa mag-asawang ito. Oras na mahanap sila, arestuhin na agad, no bail ito,” wika ni Lim.

Pinasalamatan naman ni Acosta ang alkalde dahil sa ipinatupad na manhunt laban sa mag-asawa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply