Mag-iimbestiga sa tax case ni Corona kasado na

AARANGAKADA na ang panel of prosecutors ng Department of Justice (DOJ) na mag-iimbestiga sa P150.68 milyon tax evasion case ni dating Chief Justice Renato Corona.

Ayon sa pahayag ni Prosecutor General Claro Arellano, pamumunuan ito ni Senior Assistant State Prosecutor Roseanne Balauag at mga prosecution Attorneys Ronald Estepa at Javee Laurence Bandong.

Bukod kay Corona, kasama ring kinasuhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang anak nitong si Ma. Carla Beatriz Corona-Castillo at asawang si Constantino Castillo III.

Nag-ugat ang kaso sa pagkabigo umano ng mga respondent na magsumite ng kanilang Income Tax Return (ITR) at pagkakaroon ng properties na hindi tumutugma sa halaga ng idineklara nilang kita.

Sa ilalim ng panuntunan, may 60 araw ang prosecutors para makapaglabas ng resolusyon kung kailangang iakyat sa korte ang kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply