Mag-ina nakulong sa loob ng tennis court

PATULOY na sinusubukang iligtas ng mga awtoridad ang mag-inang ikinulong sa isang tennis court sa Barangay Almanza Dos, Las Piñas City.

Nabatid na ikinandado umano ng security personnel ng homeowners association noon pang Huwebes ang mag-inang sina Fe Gadiente, caretaker ng court at kanyang menor de edad na anak.

Base sa salaysay ni Manolo Padrilan, presidente ng tennis club, nakulong habang natutulog ang mag-ina sa loob kung saan madaling araw umano nang ikandado ang court ng HOA.

Nabatid pa kay Padrilan, hindi muna pinaalis ang mag-ina dahil hindi pa umano tapos ang sigalot nila sa HOA ukol sa ilegal ang pag-takeover nito sa 2,000 metro kuwadradong tennis court dahil sa kabiguan nitong magpakita ng court resolution na magpapatunay ng kanilang karapatan sa tennis court.

Ayon pa sa tennis club, matagal na umano nilang pinangangasiwaan ang facility at hindi sila pumayag sa board resolution lamang na ipinakita ng HOA tungkol sa pag-aari na sa tennis court.

Kasalukuyang nasa naturang bisinidad na rin ang hepe ng pulisya na siyang nakikipag-ugnayan sa mga miyembro ng asosasyon at tennis club.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply