Mag-inang tulak timbog sa PDEA sa Cotabato City

ARESTADO ang isang mag-ina sa ikinasang entrapment operation ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-ARMM) Manday, Cotabato City, nitong Setyembre 25, 2012.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr., nahulihan ang mag suspek na sina Grace Yu, 46-anyos; at Pejie Macagoba, 31 ng 38 sachet ng shabu na tumitimbang ng tatlong gramo.

Kinasuhan na sina Yu at Macagoba ng paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) in relation to Section 26 (Conspiracy to Sell), Article II, o Republic Act 9165.

Nakapiit na ang mag-ina sa PDEA ARMM jail facility sa PC Hill, Cotabato City.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply