Mag-ingat ngayong simula na ang ‘ber’ months – PNP

NANAWAGAN ngayon ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na pag-ibayuhan ang pag-iingat ngayong pumasok na ang “ber” months.

Kasabay nito ikinakasa na ng PNP ang kanilang ‘Preemptive Security Alertness’ ngayong pagpasok ng September.

Inatasan ni PNP Chief Director General Nicanor Bartolome ang lahat ng mga Regional Directors na higpitan ang seguridad sa mga matataong lugar.

Bukod dito, pinababantayan din ni Bartolome ang mga vital installation kabilang na ang air at sea ports gayundin ang mga bus
terminals at mall, na karaniwang matatao.

Sa ngayon, wala pa namang namo-monitor na banta sa peace and order ang pambansang pulisya.

Ayon kay Bartolome, nagiging aktibo ang masasamang loob tuwing sumasapit ang ber months dahil sa pagpasok ng Christmas season.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply