Mag-ingat sa manlolokong dealer ng Yamaha-Montalban

BANATAN natin itong mga tarantadong dealer ng Yamaha Montalban Branch MOTORTRADE na walang mga ginawa ang mga empleyado sa kompanyang ‘yan kundi ang paglolokohin ang kanilang mga kliyente.

Ibang klase ang pa-promo ng kompanyang ito. Kunwari ay may libreng helmet na ipinamimigay sila na registered ng Department of Trade ang Industry (DTI.)

Kapag kumuha ka sa kanila ng motor ay ibibigay ito.

Mamumuti na ang mga mata ninyo sa kahihintay pero walang libreng helmet na ibibigay sa inyo.

Ang siste pa, bukod sa hindi na ibinigay ang helmet sa inyo ay pababalik-balikin pa kayo.

Basahin natin ang ipinadala po sa atin na reklamo:

Dear Sir Johnny, magandang gabi. May pakisuyo ako sa iyo, tungkol sa Yamaha Rodriguez Branch (Montalban) dealer ng MOTOR TRADE. May nakuha akong motor sa kanila noong Aug. 23,  2012 batay sa promo nila na may free helmet. Ang sabi nu’ng kausap ko roon, ‘yun daw helmet ay to follow na lang kasi raw naubusan sila ng stocks. Tinanong ko kung kailan nila maibibigay. Ang sabi ay before end of the month (Aug. 2012). eh, meron na. So kinuha ko pa ‘yung motor kasi yun ang sabi na makukuha ko rin agad yung helmet. Nag-follow up  ang misis ko sa kanila thru phone. Ang sabi, wala pa raw at hindi nila alam kung kailan na naman. As soon as magkaroon daw ay i-inform daw nila kami. Hanggang sa nagpabalik-balik kami ng misis ko ay hindi pa rin naibigay.

Lumapit kami sa iyo para mabigyan ng babala ang mga magiging kliyente pa ng kompanyang ito.

BOOKIES SA BATANGAS TODO NA

Nilargahan na ang bookies ng STL nina Minda at Nene sa lalawigan ng Batangas.

Ginagamit ng dalawang  ito ang STL para sa kanilang operasyon.

Anomang reklamo o puna  ay i-text lang sa 0918927-4764, 09266719269 o Email juandesabog @yahoo.com.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply