Mag-live in partner kalaboso sa droga

KALABOSO ang mag-live-in partner sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Dagupan City.

Inaresto ang mga suspek na sina Fredo Decena, 19, at Jelyn Gonzales, 18, na kapwa taga Sitio Silongan Bonuan, Binlos, Dagupan City.

Nabatid na isang pulis ang nagpanggap na buyer at nang nagpositibong nagbebenta ng illegal na droga ang mga suspek ay inaresto ang mga ito.

Narekober kay Decena ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu, habang inaresto rin si Gonzales dahil ito ang nag-abot ng shabu kay Decena.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek habang inaayos na ang mga isasampang kaso laban s akanila.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply