Mag-utol timbog sa pagtutulak ng droga

ARESTADO ang isang magkapatid sa isinagawang entrapment operation laban sa kanila ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Surigao del Sur.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr., ang mga nahuling suspek na sina Jerome Cabrera, 42-anyos, kabilang sa watch list ng drug personality at kuya nitong si Patrick Cabrera, 47, kapwa residente sa Barangay Bagong Lungsod, Tandag City, Surigao del Sur.

Isinagawa ang operasyon noong September 4, 2012, makaraang makipagkasundo ang magkapatid na Cabrera sa bentahan ng shabu sa Purok Maharlika ng nasabing lugar.

Ayon kay Gutierrez, matapos umanong tanggapin ng magkapatid ang dalawang piraso ng P500 na marked money kapalit ng biniling shabu ng poseur buyer ay dito na dinakma ng mga tauhan ni Director Joel Plaza ng PDEA RO13 ang magkapatid.

Nahaharap ngayon ang magkapatid sa mga kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II, ng  Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply