Magbantay laban sa lindol

NAKATATAKOT isiping may darating pang mga lindol at tatama sa mga matataong lugar sa mahal kong Pinas.

Kaugnay ito, mga Bro, ng sunod-sunod na lindol sa nakaraang isang linggo.

Kabilang sa mga lindol ang may lakas na 7.7 na lindol sa karagatan ng Eastern Samar, 5.9 na pagyanig sa Sultan Kudarat at 5.6  paglindol pa rin sa Bukidnon.

Ang hindi magandang balita ay hiwa-hiwalay ang mga lindol na ito at ang dalawang huling lindol ay hindi bunga o aftershock ng lindol na naganap sa Eastern Samar.

HILO AT HINDI MAKATAYO

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, hindi basta makatayo ang taong tatamaan ng 7.7 na lindol.

‘Yun bang === mahihilo at mabubuwal ka.

Eh may mga aftershock pa o kasunod na mga pagyanig.

At naganap ito sa Baguio City na pinangyarihan ng 7.7 din ang lakas na lindol.

Tinawag itong killer quake sa rami ng pinatay nito.

Pumatay, mga Bro, ang mas kilalang Baguio earthquake ng 1,621, kabilang na ang mga nasa isang eskuwela na gumuho sa Cabanatuan City.

MALAYO SA BAGUIO CITY

Sa totoo lang, ang naganap na lindol sa Baguio ay nagmula sa bayan ng Rizal, Nueva Ecija.

Kaya naman nang mayanig ang Baguio, nayanig din ang Nueva Ecija.

Kung may mga nabuwal na mga gusali at eskuwela sa Baguio, nangyari rin ito sa Cabanatuan, Nueva Ecija.

At bumitak ang lupa sa maraming lugar mula sa Aurora hanggang sa nabanggit na lalawigan hanggang sa Pangasinan at Baguio.

May mga gusali nga ring nabitak sa Metro Manila, kabilang na ang isang mataas na gusali ng isang eskwelahan sa lungsod ng Maynila.

MAY MGA NAPINSALA

Iisa man ang naiulat na namatay sa tatlong lindol na naganap nitong nakaraang mga araw, marami naman ang nasiraan ng mga tahanan.

Marami ring eskuwela, tulay at kalsada ang nasira.

Naapektuhan din ang kuryente sa maraming lugar at nakatatakot ang pinakamalakas na lindol sa Eastern Samar dahil gabi nang nangyari ito.

Marami ngang ka-facebook at kausap tayo na gumamit ng kanilang mga cellphone at laptop makaraan ang lindol dahil nawalan sila ng kuryente.

Halos magdamag nga nating binantayan ang lindol sa Samar dahil sa lakas nito at ginusto nating malamam kung may napinsala o wala.

TSUNAMI NAKAKATAKOT

Lalo tayong hindi nakatulog, mga Bro, noong nagkaroon ng babala para sa tsunami.

Akalain ba nating naglabas ang mga awtoridad ng Red Alert Number 3 para sa tsunami. Sa Red Alert No. 3, mga Bro, tatlong metro pataas, hanggang langit, ang ibig sabihin ng alon diyan.

Naalala natin noong gabing iyon ang naganap na tsunami sa Japan na pumatay ng libong katao at sa buong Asya Pasipiko na pumatay naman ng nasa 200,000 katao sa iba’t ibang bansa.

MAGBANTAY

Dapat tayong magbantay sa mga lindol pang darating.

Lalo’t sinasabi ng Phivolcs na maaaring may malalakas pang lindol na magaganap, at ang iba’y maaaring manggaling sa mga aftershock.

PAANO ANG PAGBABANTAY?

Maraming paraan ang pagbabantay.

Isa na rito ang pagsasanay sa mamamayan kung pa-ano ililigtas ang sarili sa lindol.

Dapat isagawa ang mga earthquake drill sa mga eskuwelahan, condo at iba pang high rise building.

Dapat isagawa rin ang mga pagsasanay sa mga simbahan, mall, sinehan, sabungan, sports arena gaya ng Araneta Coliseum at marami pang iba.

Maging sa mga komunidad ay dapat ding isagawa ang anti-earthquake drill.

Hindi ba sinasabi na kabilang sa mga delikadong lugar ang mga pinagtatayuan ng mga socialized housing ng pamahalaan at pribadong kompanya?

Delikado dahil matatagpuan sa mga ito ang mga marurupok na gusali.

Dapat ding laging matesting maging ang riles ng tren, kabilang na ang mga tren na itinatayo sa itaas gaya ng MRT at LRT.

KORAPSYON SA BUILDINGS

Isa ring mahalagang bantay ang korapsyon sa paggawa ng mga building o gusali.

Marami sa mga itinatayong gusali ang inaaprubahan lamang sa papel at sa totoo lang ay kulang sa aktuwal na inspeksyon at tests.

Basta sinuhulan ang mga building inspector, aprub lang nang aprub ang mga ito.

Kabilang sa mga nag-aaprub ang mga bumbero at electrician ng mga pamahalaan.

Walang keber ang mga ito kung substandard ang mga gamit na bakal, semento, wiring at iba pa.

Walang pakialam ang mga ito kung malalabnaw ang mga timpla ng semento at hollowblocks.

At sa kaunting pagyanig lamang ay nabibitak at nagigiba ang mga building.

Mayroon pa ngang nasusunog makaraang mayanig.

GINAPAKO AT GINAPALA

Ngunit isa ring mahalagang sangkap ng pagbabantay ang paglalaan ng pamahalaan ng sapat na pondo sa mga kalamidad na dulot ng mga lindol.

Hindi lamang pagkain at para sa sakit ang aalalahanin dito kundi ang pondong kailangan ng mga tao at makinarya na sasabak sa mga search and rescue.

Hindi pupuwedeng ginapako at ginapala lang ang gagamitin para sa search and rescue.
O lahat tayo magbantay laban sa lindol.

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply