Magdamag na ulan nagdulot ng baha sa ilang bahagi ng MM

NAGBAHA sa ilang parte ng Metro Manila dahil sa naranasang magdamag na pag-ulan na nagsimula kagabi.

Sa Maynila, kabilang sa mga binaha ay ang bahagi ng  Quirino Avenue, Pedro Gil at U.N. Avenue na umabot ang taas ng tubig hanggang tuhod.

Baha rin sa may Kalaw Avenue sa may harap ng Philippine Normal University.

Gutter deep naman ang tubig-baha sa may bahagi ng Manila City Hall.

Sa Quezon City, binaha ang bahagi ng Tandang Sora sa may kanto ng Visayas Avenue.

Kaugnay pa rin ng nararanasang ulan, pinag-iingat ng PAGASA ang publiko at pinayuhang magdala ng payong at magsuot ng bota, upang makaiwas sa sakit.

Magugunitang, ayon sa Department of Health, tumaas ang kaso ng sakit na leptospirosis sa bansa. Ang naturang sakit ay nakukuha sa ihi at dumi ng daga na kadalasang madaling makuha sa paglusong sa baha, lalo na kung may sugat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply