Magdyowa sugatan sa pananaga sa Zambo City

SUGATAN ang isang magnobyo nang pagtatagain ng ilang kalalakihan kabilang ang dating nobyo at karibal ng magdyowa sanhi ng matinding selos sa Zamboanga City nitong Lunes ng gabi (Setyembre 3).

Bagama’t kapwa may ilang taga sa iba’t ibang parte ng katawan ay nakatakbo pa rin ang magdyowang sina Kenneth Unda, 17-anyos at Candy de Leon, 19-anyos, kapwa residente ng Barangay San Roque at nakahingi ng tulong sa kanilang kapitbahay.

Sa ikinasa namang agarang follow-up operation, nadakip ng pulisya ang suspek na si Jerry Rebollos, dating kasinatahan ni Candy.

Hinahanting naman ang mga kasamahan ni Rebellos upang panagutin din sa insidente.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-10:30 kagabi sa isang bisinidad ng Barangay San Roque.

Batay sa ulat, bago ang insidente ay magka-angkas ang magnobyo sa motorsiklo at pagsapit sa lugar ay hinarang ni Rebollos at ng kanyang mga kasabwat.

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa, pinagtataga ng mga suspek ang nobyo pero nakatakbo pa rin kahit sugatan at nakahingi ng tulong sa residente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply