Magic 12 senatoriable ng administrasyon ihahayag na

ANUMANG ARAW ngayong linggo ay iaanunsyo na ni Pangulong Benigno Aquino III ang “magic 12” na senador na isasabong ng administration party sa 2013 elections.

Ayon kay DILG Sec. at Liberal Party (LP) president Mar Roxas  na malapit nang mapuno ang senatorial slate ng LP.

“We will announce it in due time which is sometime this week. The President is in talks with various members of the slate and it’s near final,” ayon kay Sec. Roxas.

Ayaw namang patulan ng kalihim ang ulat na posibleng isang orihinal na LP member sa katauhan ni Jun Magsaysay ang maisama sa LP senatorial slate.

“If I respond it will set off another round of speculations so maybe it’s best that I don’t respond,” anito.

Nananatili naman si Senador Antonio Trillanes IV sa listahan ng mga kandidato sa pagka-senador sa ilalim ng LP/NP/NPC Coalition.

“We have a coalition agreement with the Nacionalista Party and he is one of those that the Nacioinalista Party has included in their list of candidates,” ani Sec. Roxas.

At dahil nasa senatorial slate ay ikakampanya ng administration party ang kandidatura ni Senador Trillanes.

“If he was in our slate then we would certainly campaign for him,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, kung maituturing naman na asset ng partido si Senador Trillanes ay sinabi ni Sec. Roxas na “I think Senator Trillanes’ record speaks for itself and the people will judge him over the  last six years. I think what the slate will represent is the advancement of the President’s agenda and those who have committed to his program of government.”

IIwas-pusoy naman si Senador Trillanes  na sagutin kung ang pagiging ”bastos” at “kawalang-modo” niya ay makakaapekto sa partido.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply