Maginaw na Pasko ‘di mararanasan dahil sa El Niño

HINDI mararanasan ang malamig na panahon sa Christmas season sa bansa dahil sa pagpasok ng El Niño.

Ayon kay Elvie Tana Enriquez, Weather Forecaster ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kung papasok na ang El Niño phenomenon hindi gaanong mararamdaman ang malamig na panahon na dati-rating nararamdaman kapag sumasapit ang Kapaskuhan.

Ipinaliwanag ni Enriquez na inaasahan kasi na sa transition period ay easterly winds ang papasok sa bansa o ang mainit na hangin mula sa Pasipiko.

Posible rin na maging mas mahaba ang summer sa susunod na taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply