Magkaibigan nagtagaan, 1 patay, 1 sugatan

ISA ang patay habang isa naman ang malubhang nasugatan nang magtagaan ang isang magkaibigan sa  Capiz nitong Lunes ng gabi (Setyembre 17) .

Nagtamo ng saksak sa tiyan at namatay noon din si Romano Fuentes, 44, ng Sapian, Capiz.

Habang nataga naman sa kanang kamay ang suspek na si Arnelio Galagate, 21, ng Tapaz, Capiz.

Sa ulat ng Sigma police station, naganap ang insidente alas-10:30 nitong Lunes ng gabi sa bahay ng isang Rosita Ucag sa Barangay Cogon. Sigma, Capiz.

Bago ito,  nag-iinuman ang magkaibigan kasama ang kanilang kaibigan na si Ronald Ucag sa bahay ni Rosita  nang magtalo ang dalawa dahil sa sobrang kalasingan.

Naunahan na tagain sa kamay ni Fuentes si Galagate pero nakaganti ito at tinaga ang kanyang kaibigan sa tiyan.

Naisugod pa sa Mambusao District Hospital si Fuentes ngunit idineklarang dead on arrival, habang si Galagate naman ay dinala sa Roxas Memorial Provincial Hospital.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply