Magkapatid na Younghusband sibak sa Azkals

SINIBAK at hindi na isinali ang magkapatid na Phil at James Younghusband sa listahan ng mga manlalaro ng  Azkals na sasabak ngayon sa Philippine Football Peace Cup dahil sa umano’y kawalan nila ng katapatan sa national teams.

Inabisuhan lang ni Azkals coach Hans Michael Weiss ang magkapatid sa pamamagitan ng text message at sinabing hindi na sila paglalaruin sa pagsabak ng koponan sa four-team mini-tournament na inorganisa ng Philippine Football Federation na nakatakda sa September 25-29 sa Rizal Memorial Football Stadium.

“James sorry for not being able to talk to you personally… so I have to inform you per text that Phil and you are not included in the list for the Peace Cup… anything else after remains to be seen… take care and all the best! MW” ani Weiss sa kanyang text message kay  James.

Ikinagulat ng magkapatid ang text message dahil naging bahagi sila ng team simula ng makilala ito noong 2010 ASEAN Football Federation Suzuki Cup. Si Phil ang best scorer at finisher ng team samantalang si James ang itinuturing na leader ng koponan habang naglalaro sa midfield.

Dahil sa mensahe ni Weiss ay nalagay sa alanganin ang future status sa team ng magkapatid dahil pagkatapos ng Peace Cup ay sasabak naman ang Azkals sa ilang serye ng friendly matches bilang paghahanda sa 2012 AFF Suzuki Cup in Chiang Mai, Thailand,  kungsaan susubukin nilang ulitin ang kanilang pagpasok sa semifinals dalawang taon na ang nakararaan.

Sa isang mensahe, kinumpirma ng magkapatid na gusto pa rin umano nilang maglaro para dalhin ang national colors.

“We remain 100 percent committed to the national team. We do not know what transpired, as we have been in constant talks with Coach Weiss. But we respect whatever decision management has. We will be available for whatever call up,” ani ng magkapatid na nagpahayag na dismayado sila dahil inimpormahan lang sila sa pamamagitan ng text hinggil sa desisyon.

“We wish communication is better amongst player, national team, and club.”

Huling naglaro sa Azkals ang Younghusbands  sa historic 2-0 victory win ng team kontra sa Singapore  noong  September 7.

Matatandaang iniwan ng magkapatid ang Azkals noong lumalaban ang team sa Southeast Asian training tour kontra Laos upang bumalik sa Manila para alalahanin ang first death anniversary ng kanilang ina.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply