Magnanakaw na nambiktima ng pulis, timbog sa mall

KULONG ang isang akyat bahay matapos makita ng biniktimang pulis na dala ang ninakaw na laptop sa Caloocan City kahapon.

Nakilala ang suspek na si Carlos Quintos, 32 ng 7th avenue ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-6 ng umaga noong Setyembre 12, 2012, natuklasan ni Inspector Michael Mendoza, nakatalaga sa Camp Crame na napasok siya ng mga magnanakaw sa kanilang bahay sa Gen. Luna st., ng lungsod at natangay ang kanyang laptop, singsing at cash na P20,000.

Kahapon dakong alas-5:30 ng hapon, naglalakad sa loob ng Victory Mall sa Monumento ng lungsod ang biktima nang mamataan ang suspek na bitbit ang nawawalang laptop na naging dahilan upang dakpin at dalhin sa presinto.

Hindi na nakatanggi ang suspek sabay turo sa dalawang hindi muna pinangalanan mga kasama na hinahanting na.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply