Magnitude 7.6 na lindol yumanig sa Costa Rica

MARAMING kabahayan ang nasira nang yanigin ng magnitude 7.6 na lindol ang karagatang sakop ng Costa Rica dakong alas-8:42 Martes ng umaga, gabi sa Pilipinas.

Sa ulat sa telebisyon, base sa monitoring ng U.S. Geological Survey, natunton ang epicenter ng naturang lindol sa layong 74 kilometer timog timog-silangan ng lungsod ng Liberia at may lalaim na 40.2 kilometro.

Dahil sa malakas na lindol, inilikas ang mahigit sa 5,000 residente ng Samara District.

Nagpalabas din ng tsunami warning ang mga awtoridad.

Wala namang naiulat na namatay o malubhang nasaktan sa malakas na lindol.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply