Magsasaka nadaganan ng kabayo

POSIBLENG nabalian ng tadyang ang isang magsasaka nang madaganan ng ito ng kanyang pinapatakbong kabayo sa Polomok, South Cotabato kaninang madaling araw.

Isinugod sa General Santos City Hospital sanhi ng iniindang matinding kirot sa kaliwang bahagi ng katawan ang biktimang si Ariel Diamante 25-anyos residente ng Barangay Landan, Polomok.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 3 ng madaling araw  sa isang bulubunduking lugar sa Polomok.

Sakay si Diamante sa kanyang kabayo at inaakyat ang mataas na bahagi ng nasabing bundok nang biglang matapilok ang kanyang alaga.

Imbes naman bumagsak sa lupa, nadaganan nito si Diamante na naunang sumayad ang katawan sa lupa kaysa sa kanyang kabayo.

Ayon sa security guard ng Cotabato District Hospital na si Val Galagaran, idinadaing ni Diamante ang kaliwang bahagi ng kanyang katawan na nadaganan mismo ng kanyang alagang hayup.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply