Magsyotang teenager nirapido sa monthsary todas

NIRAPIDO ng dalawang hindi nakikilalamng armadong
kalalakihan ang isang magsyotang nagdiriwang ng kanilang
‘monthsary’ sa Quezon City kaninang madaling-araw Setyembre 2).

Kapwa dead on the spot sanhi ng tama ng bala ng 9mm at kalibre 45 sa iba’t ibang parte ng katawan sina Marian Guadia, 14 at Marlon Moralde, 19.

Ayaw naman magbigay pa muna ng detalye ang mga tauhan ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) para hindi makatakas ang mga salarin.

Naganap ang insidente ala-1:25 ng madaling araw sa Barangay Commonwealth, ilang na metro lamang ang layo sa bahay ni Moralde.

Bago ito, magkasama ang magnobyo sa lugar at dahil monthsary nila ay naglalambingan ang dalawa nang sumulpot ang mga suspek na ang isa ay nakasuot ng bonnet mask habang ang isa naman ay nakasuot ng motorcycle helmet.

Sa hindi pa malamang dahilan ay nirapido ng mga suspek na nakaangkas sa motorsiklo ang mag-nobyo na kapwa napuruhan.

Hinihinala naman na love triangle ang motibo sa pamamaslang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply