Magulong foreign policy

NAPAKAGULO naman ng mga namamahala ng ating gobyerno.

Si Mar Roxas ay secretary of the Interior and Local Government pero siya ang itinalaga ni President Noy sa usapang international sa sigalot sa Spratlys at South China Sea.

Bakit kaya hindi ang secretary of foreign affairs na si Albert del Rosario ang itinalaga sa pakikipag-usap sa mga Tsino sa Beijing? Eto naman ay hula lang. Baka si Del Rosario na ang ilalagay nang permanente sa DILG.

Lubhang magulo talaga ang pamumuno ni PNoy. Si Senador Antonio Trillanes ang backchannel o lihim na negosyador sa usapang ito. Si Trillanes ang siyang personal envoy ni PNoy at hindi ang ambassador to China na si Sonia Brady, o si Del Rosario mismo.

Talagang magkakawatak-watak ang Pinas sa ganitong asta ni PNoy.

Dati, si Jesse Robredo ang secretary of DILG pero half-half lang pala. Ang kalahati ay hawak ni Undersecretary Rico Puno na reporting directly to PNoy at hindi kay Jesse.

Ang sabi ni Senate President Juan Ponce Enrile (JPE), galit si Trillanes kay Del Rosario na kaibigan at dating empleyado ni Manny V. Pangilinan (MVP).

Treason daw ang kasalanan ni Trillanes sa pakikipag-usap sa mga Tsino. Pero hindi naman treason nang makipag-usap si MVP sa mga ito tungkol sa joint venture sa Reed Bank sa Palawan.

Magulo talaga kayong mga taga gobyerno. Babala ni MVP: Uuwi na lang ako sa Hong Kong kung ganyan kayo kagulo. At goodbye na, Ateneo. Magulo rin kayo.

Please, huwag naman, sabi ni Atenistang Boyet Gonzales, majority leader sa House of Representatives. Kailangan ka ng bansa.

Wow, bigat talaga nitong mga Atenista. Nakialam pa sa controversy sa Senado, sa Malakanyang at sa Department of Foreign Affairs.

Sabi ni Atenistang PNoy: Tama na ang daldalan. Bawal na kayong mag-comment sa Spratlys. One voice na lang tayo. Oil for one tayo sa Spratlys.

Talaga? Pero walang sumunod sa utos ni PNoy. Patuloy pa rin ang dakdakan nila. At ngayon, nire-replay na sa TV ang Martial Law declaration noong 1972. Nasaan ba si JPE noon?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply