Mahigit 2 milyon, makikibanang sa Kasambahay Bill

OBLIGADO nang magbigay ng benepisyo at maayos na sweldo ang mga employer para sa kanilang mga kasambahay matapos aprubahan ng kamara ang House Bill 6144 o ang Kasambahay Bill na ipinanukala ni San Juan Rep. JV Ejercito na magbibigay proteksyon sa mga ito.

Dahil dito, mahigit dalawang milyong domestic workers sa buong bansa ang makikinabang sa naturang panukalang batas.

Ayon kay Aurora Rep. Juan Edgardo Angara, isa rin sa may-akda ng nasabing panukala, maliban sa standardization ng suweldo, makatatanggap sila ng 13th month pay, coverage sa Social Security System (SSS) at ng lahat ng benepisyo na nasasaad sa ilalim ng Republic Act 8282.

Magsisilbi na rin itong babala sa mga abusadong employers para tratuhin nang maayos ang mga katuwang sa araw-araw na gawaing bahay at matutulungan din ang mga menor-de-edad na kasambahay na ma-protektahan
laban sa pang-aabuso at pananamantala sa murang kaisipan ng mga ito.

Sa kabila banda, sinabi ni Angara na may karapatan din namang alisin ng isang employer ang kasambahay kung tatamad-tamad ito sa bahay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply