Maja Salvador, ulirang artista

MARAMING nagulat sa biglang pagkapanalo ni Maja Salvador sa katatapos na Awards Night para sa 30 Lunar A- wards ng Film Academy noong nakaraang Linggo, August 26, na ginanap sa E.Rodriguez Sports Plaza. Grabe ang palakpakan nang si Maja ang nanalo bilang pinakamahusay na artistang babae ng taong ito para sa Film Academy.

Napagtagumpayan ni Maja ang naturang kategorya para sa pelikulang “THELMA” na naghatid para mabigyan sya ng malakas na palakpakan.

Nang gabi ‘yun ay parang si Maja lamang ang masasabing tunay na artista na siyang karapat-dapat na umani nang karangalan dahil ang kanyang pagkakaganap sa nasabing pelikula ay makikita o nakita na talagang syang maghahatid kay Maja sa tagumpay.

Mabilis naming nakitaan ng labis na katuwaan ang kanyang direktor na si Paul Soriano na sya ring tumanggap ng papuri o karangalan bilang pinakamahusay na direktor para sa pelikulang ‘THELMA”.

Pero ayon sa aming source, bakit daw ang mga nagwagi nang gabing ‘yun ay halos parang nasa iisang pelikula lamang. Parang kailangan kapag merong nanalong kahit na anong kategorya ay dapat meron kasama o kakambal ang pagtanggap ng awards.

Halimbawa, si ER Ejercito, hindi lamang isa ang napanalunan kundi parang hinakot na ang malalaking kategorya na parang maiisip mong binayaran sa halagang naaayon sa usapan. Nanalo si ER ng pinakamahusay na artistang lalaki.

Ang kanyang pelikulang “Manila Kingpin..Asiong Salonga” ang kumuha sa kategoryang pinakamagandang pelikula buong taon para sa Film Academy.

At ang pagkakapanalo naman ni John Regala bilang pangalawang pinakamahusay na artistang lalaki para rin sa pelikula ni ER.

Kaya maraming na-shocked na kung bakit ang pelikula ni ER ay parang ‘EAT ALL YOU CAN’ sa hindi malaman kung magkano ang pagkakabili o kabayaran sa mga bawat kategoryang nasamsam ng mga namumuno ng giving body.

Nagtatanong lang, walang personalan trabaho lang at nang malaman ng lahat para iwas sa ano mang maaaring magiging usapin. Di ba ED?

****

Walker underwear magbibigay nang malaking diskwento

SAMANTALAHIN ang bagong promosyon na ito mula sa WALKER Underwear, isa sa mga pangunahing underwear maker sa bansa.

Ang buwan ng Setyembre ay buwan ng bagyo at ulan, kaya naman ang WALKER Underwear ay nagpaulan nang napakaraming discount para sa ating mga kababayan.

Maaari kayong mamili nang mula 10% hanggang 20% discount sa lahat ng Walker regular items o di kaya naman ay sa mga markdown selected items na matatagpuan lamang sa lahat ng Landmark, Isetann, Ever, Fairmart, Puregold, at iba pang mga department store na malapit sa inyo.

****

Madam Osang ng Machete nagpapasalamat!

LAKING gulat namin nang biglang nag-ring ang telepono. Nasa kabilang linya si Mama Osang ang OIC ng Coast Bay Machete Entertainment Bar na matatagpuan along Roxas Boulevard, Pasay City.

Sabi ni Mama Osang, gusto raw nilang pinasasalamatan ang lahat ng mga nanood sa kanilang big night noong nakaraang Biyernes ng gabi.

Tuwang-tuwa nga si Aliah ‘Melan Salvador’ De Asis ang kanilang entertainment manager ng gabing iyon dahil sa napakagandang show na naganap. Isang super Big Night ang kanilang inihanda para sa kanilang mga  regular customers.

Kaya ang iba pang mga kaibigan ng Machete ay kanilang tinatawagan nang pansin para pasalamatan sa kanilang panonood ng ‘TEMPTATION’ na kung saan ito ang naging pamagat ng kanilang show. At talagang kaabang-abang ang mga male model at macho dancers na mga mukhang artista tulad nina Piolo Pascual, Dennis Trillo at Dingdong Dantes.

May tsika sa amin si Mother Michelle, isa rin sa night manager, na madalas daw may tumatawag sa kanyang mga producer ng Indie Film, para kunin ang serbisyo ng kanilang mga dancers sa pelikulang kanilang gagawin.

Kasi nga minsan napagawi daw ang isang indie film direktor at nakapanood ng lalaki sa lalaki kung saan naglalaplapan to death. Kaya rito sila kumuha ng mga artistang kailan lang ay napanood sa pelikulang hubaran. O, mga kapederasyon go na tayo sa ikatlong lahi at ating alamin kung may mga katotohanan ang tsismis na ito.

Mga manas, huwag kalilimutan kita-kits tayo sa Machete. At para sa ilang mga detalye hingil sa kanilang show ay maaring tawagan si Aliah (09129129090) at ang OIC ng Coast Bay Machete na si Mama Osang sa kanyang cp (0910714893).

Sa mga kabataang lalaki na gustong maging mahagi ng Machete o gustong maging male model at G.R.O ay magpunta lamang sa Machete at makipag-ugnayan lang kahit kanino man sa kanila.

Ed, sabi ni Mama Osang kung meron daw kayong oras pasyal at manood daw kayo ng show and of course, drink to the max….see you there!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply