UPDATE: Makati engineer sa Albay ambush todas na

PATAY na ang Makati engineer na tatakbo sanang mayor nang tambangan ng hindi nakilalang mga suspek kasama ang kanyang vice mayor na kapatid sa Albay.

Kinilala ang biktima na si Engr. Nelson Morales, habang nakaligtas naman sa aksidente si Vice Mayor Alice Morales.

Nabatid na nakaligtas sa tiyak na kapahamakan ang VM nang nakadapa at nakapagtago siya nang paulanan ng bala ng tatlong armadong kalalakihan habang papalabas ng simbahan sa Albay.

Sinasabing katatapos lamang ng misa sa isang kasal kung saan ninong at ninang ang magkapatid at papalabas na ng simbahan nang pinaputukan ng mga suspek.

Ayon sa isa sa security ng magkapatid, malapitan na pinaputukan habang sinusundan ng mga suspek ang kapatid na bise alkalde.

Tumagos naman sa tiyan ang bala na tumama kay Engr. Morales.

Patuloy namang inoobserbahan ang sugatan din na security guard nito.

Pinaniniwalaang planado ang insidente kung saan dumalo pa ang mga suspek sa misa kasabay ng mga biktima.

Napag-alaman na si Engr. Morales ay nakatakda sanang tumakbo bilang mayor ng naturang bayan sa darating na eleksyon.

Si Morales ang unang biktima ng election violence na napag-alaman ding aide ni VP Jejomar Binay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login