Makating matrona naninilo ng mga makakatas na lalaki!

MISMONG kay Gerald Anderson galing yung statement na wala siyang sama ng loob ‘di man sila nagkatuluyang maging mag-sweetheart ni Sarah Geronimo.

Bagamat umaamin naman siyang totoong nanligaw siya sa mahusay na singer,  tanggap naman daw nitong kapalaran niya yun.

“What God wants, God will make it happen. Hindi kami talaga magkakapalaran kaya wala akong hinakakit. No regrets talaga, tanggap ko yun,” sabi pa niya.

Bagamat hindi nagbunga nang maganda ang panliligaw niya, sinabi naman ni Gerald, “Basta masaya po ako sa nangyari sa amin. Mayroon po kaming moments na para sa amin lang.”

Pero sa kabila ng pag-amin niyang huminto na siya sa panliligaw, may ilan pa ring nang-iintriga at sinasabing hindi naman totoong naghiwalay na sila ni Sarah.

Nagtatakang sambit ni Gerald, “Mahirap naman ding maghiwalay nang hindi naging kayo.

“Kumbaga, like I said, I’m very blessed to have an opportunity to share beautiful moments na kasama ko siya.”

May komunikasyon pa rin ba sila ngayon ni Sarah?

Sagot ni Gerald, “Wala na ho. Wala na ho talaga.

“Nangyari na ho ang mga dapat mangyari, kailangan na lang po nating mag-move on.

“Basta moving on na po ako.”

Kung sakali, magkakaroon kaya ng pagkakataong matuloy pa rin ang naumpisahan na niyang panliligaw sa singer-actress?

“Hindi ko ho kayang basahin ang future. Basta, sabay-sabay ho nating malalaman ‘yan,” sagot ni Gerald.

Dahil sa pag-amin ni Gerald na huminto na siya ng panliligaw kay Sarah, marami na naman ang nagpahayag ng kani-kanilang opinyon tungkol sa ina ni Sarah na si Divine Geronimo.

May ilan kasi na pinupuna ang pagiging mahigpit nito sa young singer/actress.

Nang sabihin ng media kay Gerald ang tungkol dito, nakiusap siya na itigil na ng publiko ito.
Katuwiran niya, “Bigyan naman po natin ng respeto at privacy ang pamilya ni Sarah, ang mommy niya, kasi no one deserves that.

“Kumbaga, wala ho tayong karapatan para mag-comment o magbigay ng ating pananaw lalo na kung masama.

“Sabay-sabay na lang tayong mag-move on and just give everybody some privacy.”

Sa isang bahagi ng panayam ng ito, kinuha na rin ni Gerald ang pagkakataong pasalamatan ang mga taong patuloy na sumusuporta sa kanila ni Sarah sa kabila ng mga naging pag-amin niya.

Sabi ni Gerald, “Ang gusto ko lang hong sabihin ay sobrang thank you.

“Thank you for all the support, hanggang ngayon, sumusuporta pa rin.”

***

MAKATI pa sa gabi ang mayamang matronang laging sumasabit sa showbiz.

Kung kani-kanino ng lalaki na siya nagpakangkang, at dalawang sikat na aktor na ang naging biktima niya bukod pa sa maraming one night stands, na ang taning gamit ay ang kanyang pera.

Mahilig talagang manilo ang matronang makati na kapag nakursunadahan ang isang artistang gwapo, walang hindi gagawin, makamit lang ang nais.

Heto ka, sinisilo niya ngayon ang isang pulitiko mula sa isang probinsya pero di kumakagat sa pain ang politician. Alam kasi niyang gagamitin lang siya nito upang maibsan ang kakaibang kati ng matrona.

Mahusay kumilatis sa ganyan ang machong aktor dahil maraming beses na rin siyang nakasilo ng ibang matrona. Kaya nga siya yumaman ay dahil inalagaan siya ng isang mayamang Japayuki.

Anyway, kumakandidato ngayon si aktor, at dahil malaking pera ang kailangan niya, hindi malayong sagpangin niya ang pain ng makating matrona.

***

PABIRO man o hindi, sinasagot ng nanay ni KC Concepcion ang isyung tunay na lalaki ang kasalukuyang lalaki sa buhay ng kanyang anak.

Sobra kasing kaanghang yung isyu noong pang-iiwan sa ere ni Piolo Pascual kay KC. Hindi na siguro namin ipaa- alala na laging sabit si Piolo sa isyung isa siyang bading.

Anyway, ayon kay Sha, tunay na lalaki si Pierre Emmanuel, ang Pranses na suitor ng kanyang anak at buong pamilya nila ay boto rito at kung sakali, perfect raw ito para mabigyan siya ng apo ni KC.

Sinasabi pa ni Sharon sa kanyang mga tweets na masaya na si KC kay Pierre at sana nga raw ito na nga ang lalaking makatutuluyan ni KC.

Kulang na lang talaga, ipagsigawan ni Sharon na hindi na puwedeng mapeke ng kung sino mang bakla ang anak niya.

O, di ba?

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply