Malabon police chief at deputy muntik magbarilan

MUNTIK nang magkabarilan ang dalawang mataas na opisyal ng Malabon Police matapos magkaroon ng hindi pagkakaunawaan bago mag-flag raising ceremony kahapon ng umaga, Lunes, September 24.

“Palagi kasi kaming minumura ni hepe sa tuwing mainit ang ulo niya, maski sinong mga pulis sa Malabon tanungin nyo puro maltrato ang inaabot sa kanya.”

Ito ang pahayag ni deputy chief ng Malabon police na si Supt. Regie Alduezo sa kanyang superior na si Sr. Supt. Ferdinand Ampil makaraan ang kanilang komprontasyon kahapon ng umaga bago magsimula ang kanilang flag rasing ceremony sa Malabon City hall.

Nabatid na pinakahuling insidente umano ng hindi magandang trato sa kanya ng kanyang hepe ay nang murahin siya nito noong Linggo sa telepono at pilit pinagre-resign.

“Hindi ko alam kung bakit mainit ang dugo sa amin ni hepe, ginagawa naman namin ang trabaho namin kahit italaga niya ako sa night watch tapos pinag reresign niya ako.”

Gayunpaman upang mapawi ang tensyon sa kanilang headquarters ay naghain ng leave of absence si Alduezo upang hindi na lumaki ang gulo sa pagitan nila ng kanyang hepe.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply