Malakanyang hugas kamay sa pag-atras sa kandidatura ni Villanueva

HUGAS kamay ang Malakanyang sa lumabas na ulat na pinaaatras na umano ni Pangulong Noynoy Aquino si Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General Joel Villanueva sa pagkatakbo sa senatorial race sa susunod na taon.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na wala siyang impormasyon hinggil sa pagtakbo at kung ano ang plano sa hinaharap ni Villanueva.

Una nang lumabas na sinabihan umano ng Pangulo ang TESDA chief na iurong ang kanyang senate bid dahil mababang survey ratings nito.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply