Malakanyang sa Kongreso: Sin tax bill tutukan

UMAASA ang Malakanyang na pag-uukulan ng panahon ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang sin tax bill bago pa mag-recess sa susunod na lingo.

Ayon kay Deputy presidential spokesperson Abigail Valte, ang sin tax bill ay kasalukuyan nang hinihimay ng Senado.

“We’re hoping at least sin tax sa Senado na. From what I understand the sin tax bill is in the Senate already, it will receive the attention of senators,”  anito.

Ang 15th Congress ay nakatakdang mag-break sa kanilang sesyon sa darating na Setyembre22 at magre-resume ng sesyon sa Oktubre 8.

Naglalayon ang sin tax bill na dagdagan ang buwis sa alak at sigarilyo  kung saan ang makakalap na buwis ay mapupunta sa mga programang pangkalusugan ng pamahalaan.

Samantala, ipinaubaya naman ng Malakanyang sa mga mambabatas ang paghimay sa Reproductive Health (RH) bill.

Ang RH bill ay dumadaan sa butas ng karayom ng pag-amiyenda sa Kongreso.

“[It] depends on how the House moves on that,” ayon kay Usec. Valte.

At hinggil naman sa Senado ay sinabi ng opisyal na “up to the proponents of the bill in the Senate on how they can maneuver” sa pagpasa ng batas.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply