Malakanyang sa mga hacker: Kulang sa pansin

MGA “kulang sa pansin” (KSP). Ito ang itinawag ng Malakanyang sa mga hacker ng government at private websites sa bansa na tumututol sa Cybercrime Prevention Act of 2012  o anti-cybercrime law.

Ayon kay Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) Sec. Ricky Carandang, inatake ng mga hacker ang front pages ng website ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), at American Chamber of Commerce in Philippines.

Pinalitan ng mga hacker ang front page ng mga nabanggit na website ng itim na background kung saan nakalagay ang logo ng “Anonymous Philippines” at kanilang mensahe laban sa cybercrime law.

Nakasaad din sa mensahe ng Anonymous Philippines, na ang Cybercrime Prevention Act of 2012 (Republic Act 10175), “is the most notorious act ever witnessed in the cyber-history of the Philippines.”

Para sa hackers, nagpalabas ng isang panukalang batas ang pamahalaan na tatapos sa Freedom of expression sa bansa.

“The language of the bill is cunningly designed to make you think it only applies to individuals who are deep in cyber-technology and doesn’t apply to everyone, but some part of the bill basically says it can imprison anyone who commits libel either by written messages, comments, blogs, or posts in sites such as Facebook, Twitter, or any other comment-spaces of other social media in the Internet,” ayon sa hacker.

Maging ang mga website ng Philippine Anti-Piracy Team, Department of Environment sa Region 3,  Institute for Development and Econometric Analysis, Anti-Smoking program ng Department of Health (DoH) ay pinakialaman din ng mga hacker.

Samantala, alas-dos ngayong hapon ay tumatakbo na nang maayos ang website ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply