Malakas manigarilyo noon, boses robot na ngayon

NANAWAGAN ang grupong New Vois Association of the Philippine, Inc. (NVAP) na gumawa ng batas na nagbabawal sa pagtitingi ng sigarilyo sa mga sari-sari stores.

Ayon kay NVAP Chairman Emer Rojas, suportado nila panukalang dagdagan ang buwis na ipinapataw sa alak at sigarilyo dahil malaking pinsala ang nagagawa nito sa katawan ng tao. Siya mismo ay biktima ng laryngeal cancer (stage 4) na sinuwerte lamang makaligtas matapos operahan sa lalamunan at sumailalim sa  12-months chemotherapy.

Muntik na umano niya itong ikamatay kaya hindi niya nais na maranasan ng iba ang kanyang naranasan.

Si Rojas ay hindi na nakapagsasalita ng normal, at gumagamit na lamang ng battery operated electronic larynx or electro-larynx , kung saan boses ng robot ang maririnig.

Dapat suportahan ng iba pang mga  mambabatas si Sen. Ralph Recto na maipapasa ang pagtataas ng buwis sa alak at sigarilyo bago ang Christmas break dahil lumalala ang kaso ng paninigarilyo sa bansa.

Aniya, base sa kanilang pag-aaral, maging ang mga batang hindi pa nag-aaral ay nakikita nilang naninigarilyo sa mga tindahan dahil mas mura pa ang sigarilyo kesa kendi.

Ayon naman kay NVAP legal counsel Chicco Castro, malaki ang kikitain ng BIR kapag naipataw na ang pagtataas ng buwis sa alak at sigarilyo.

Magagamit umano ang kikitain ito para sa health programs ng pamahalaan na sa kasalukuyan ay kulang na kulang.

Halos doble sa kasalukuyang umiiral na presyo ang magiging halaga ng bawat kaha ng sigarilyo sakaling maipataw na ang karagdagang sin tax bill.

Kung hindi mapigilan ang paninigarilyo ng mga cigarette addict, makababawas naman ito sa dami ng kanilang mahihitit. Dahil sa liit umano ng kinikita ng mga manggagawa sa kasalukuyan, hindi nila gugustuhing ipagpalit ang isang kilong bigas sa isang kaha ng sigarilyo o isang bote ng gin.

Gayunman, habang hindi pa umano napagdedebatuhan ang pagpapasa sa bagong bersyon ng sin tax bill, makabubuti umanong magkaroon ng mga ordinansa sa bawat munisipalidad at siyudad na nagbabawal sa pagtitingi ng sigarilyo sa mga tindahan upang hindi magkaroon ng access ang mga bata dito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply