Malasadong indie produ, kinahoy ang obra ni Direk Rolly Lao?

ITEM 1: Sa totoo lang nagpupuyos sa galit ang writer-director na si Rolly Lao rito sa isang producer ng Sunflower production na si Malou Cruz.

Ayon kay Direk Rolly Lao, nagka-interest sa Script niya na “Hardenero” itong si Malou Cruz kaya ipinahiram niya rito ang synopsis para raw pag-aralan ng produ. Ang kaso, inabot na ng tatlong buwan sa kamay ng Film Outfit or Film Company ni Ms. Malou Cruz ang synopsis ng Hardenero ni Direk Rolly Lao at bigla nalaman ni direk na ginawa na itong pelikula nang walang pasabi sa naturang director.

Nang sitahin raw ni direk itong si Ms. Malou Cruz tungkol sa nasambit na proyektong Hardenero ay kaagad raw na itinanggi ito ni lady produ at alibi ay baka raw sa tittle lang sila nagkapareho.

Pwede kaya yon?

Nagbanta si Direk Rolly na sasampahan diumano ng reklamo at ipati-TRO ito sa MTRCB kaya watch out alang tayo kung ano mangyayari sa reklamo ni direk dahil may mga nagkalat ng poster ang nasabing indie movie partikular riyan sa isang mall sa Recto, Manila na Isetann.

Kung tama nga ang akusasyon ni Direk Rolly rito kay Ms. Malou ng Sunflower Production, dapat itong ipako sa krus, ibitin nang patiwarik, ipakain sa mga langgam na pula para magtanda at ‘wag ng pamarisan ng iba riyan.

Barya-barya na nga lang ang bayaran ngayon sa script lalo na’t ito’y indie movie lamang, tapos may ilan pa rin tayong kababayan na talagang kapalmuks at walanghiya.

Kaisa kami sa layunin ni direk Rolly Lao na maparusahan itong si Malou Cruz. Tuloy ang panawagan namin sa pamunuan ng MTRCB at ng kanilang chairwoman na si Mary Grace Poe Llamansarez na anak ng yumaong hari ng aksyon at idol naming na si The King, na bantayan ang mga pelikulang niri-review nila lalo na itong proyekto ng Sunflower Production ni Ms. Malou Cruz.

***

ITEM 2: Talaga namang ang tsismis na ‘to, kahit saang lupalop ka ng mundo magpunta ay talagang mabubuking. Ang subject natin ngayon ay tungkol sa isang sikat na female singer & host at sa kanyang ina na super kuripot.

Ang kwento, nag-concert abroad ang sikat na mang-aawit at ka-join nya ang kanyang madiraka.

Sa naturang concert venue ay may hinandang lafang ang mga produ para sa mag-ina. Nasarapan siguro ang nanay ng sikat na female singer sa inihandang foods ng mga produ na lasagna at bacon kaya dali-dali itong nagtake-out at binalot ng mga tissue paper at isinilid sa kanyang baggage pag-uwi ng Pinas.

Nang makita raw ng mga show producer ang ginagawa ng nanay ng mang-aawit ay para silang nanlumo sa ka-cheap-an ni madir. Hindi nila sukat- akalaing magagawa iyon ni mudra dahil alam nila mayaman ang mga ito dahil sa tinatamong kasikatan ngayon ng anak nito.

Ka-cheapan talaga ‘di ba, dear ed? (Korak! kaaning naman ever! Hahahahahahaha! – Ed) Ang alam lang kasi naming gumagawa nito ay ang mag-inang Angelica at Beth Jones.

Talbog !

Hay, naku! para mawala ang stress at inis ko sa mga ito, panoorin ko na lang siguro ang show ng kanyang junanak tuwing Linggo ng gabi.

Gets n’yo?

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply