Maligaya sa kanyang pag-iisa…

PARA kay Rich Asuncionbagay na bagay sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Kahit pa sabihin na minsan ding natsismis sila ni Aljur noon. Kaya lang ay huli na nang aminin ng hunk actor sa press na naging sila noon ni Rich pagkatapos ng kanilang stint bilang bu- mubuo ng StarStruck batch 4. Kung saan sa batch ay top winners sina Aljur, Kris Bernal, Mart Escudero (now Mar tin Escudero ng TV5) at Jewel Mitch.

Nakausap namin si Rich sa presscon ng “Aso ni San Roque” kung saan lalabas na naman siyang isang villain, na mang-aagaw sa attention ng bidang si TJ Trinidad. Bida rin rito sina LJ Reyes at ang child actress na si Mona Louise Rey.

Kung si Aljur ay super in love kay Kylie ngayon, si Rich naman ay loveless. Nakatoon ang kanyang panahon sa kanyang career at pag-aaral ng BS Tourism course sa University of the Philippines kung saan nasa ikatlong taon na siya sa kolehiyo. Naniniwala kasi siya na ang edukasyon ay mahalaga sa tao. Kaya kahit busy pa siya sa show -biz, pilit niyang tinatapos ang napiling kurso sa college.

Pagkatapos sumali sa Bb. Pilipinas ni Rich, gumanda na ang takbo ng career niya. Hindi na siya ang kung tawagin noon ay ang itinatagong gf ni Aljur.

Sa ngayon, nakikilala na si Rich bilang aktres. Magaling siya sa kontrabida roles at hit na hit siya sa gani- ong klase ng role magmula nang hinawakan siya ni direk Maryo J. Delos Reyes sa Biritera.

Pagkatapos na ma-link kay Ervic Vijandre, wala nang taga-showbiz ang na-link pa sa kanya. Lagi na’y sinasabi niyang super busy siya sa kanyang acting at schooling.

000

HINDI lang pala artista ang tandem ng Bubble Gang na sina Ogie Alcasid at Michael V. Bagkus, ang dalawa ay mga creative consultant ng gag show rin. Ibig sabihin ay nag-iisip at nakikipag-deliverate rin ang dalawa sa mga gagawin nilang portion na magki-click sa televiewers. Kaya naman naka-17th year na sila sa ere ngayong 2012 at magkaroon ng grand anniversary presentation ang show ng one whole month ngayong October.

Parehong busy sina Ogie at Michael V sa kani-kanilang showbiz activities pero lagi silang may oras sa Bubble Gang.

Si Ogie nga pala ay katatapos lang soap na My Daddy Dearest at dalawang magkasunod na pelikula ang kanyang nagawa, bukod pa sa pagiging host sa Party Pilipinas.

Si Michael V naman ay mapanonood tuwing  Friday at Saturday sa Eat Bulaga at kabubukas lang muli ng kanyang Papito Manaloto na isang comedy show na mapanonood tuwing Sunday pagkatapos ng Imbestigador.

Nananatiling top portion ng Bubble Gang ang pinagsasamahan ng dalawa na hit sa audience, ang Cheche Bureche. Si Ogie naman ay may Boy Pick Up portion na ginawa na ring pelikula ng Regal Films.

Kasama rin sila sa classic portion na Ang Dating Doon.

000

HAPPY si Mona Louise Rey sa role niyang bulag sa Aso ni San Roque kung saan magiging gabay niya sa paglalakad ay ang asong si Princess. Yes, sa maikling pagsasama nina Mona Louise at Princess sa taping ng soap, naging close agad ang dalawa. Madali raw kasing kaibiganin si Princess bukod pa sa hindi napapagod sa pag-arte sa harap ng camera.

Kapag walang take si Mona Louise, nilalaro niya si Princess kaya madali silang nagkaroon ng bonding.

Kahit iyakan na naman ang role niya sa soap, hindi niya ito alintana dahil mas masaya ang batang nasa ikatlong taon na ngayon sa elementary kapag nasa set at umaarte.

Magkaganunpaman, kahit busy siya sa apg-aartista, laging may oras siya sa kanyang pag-aaral. Pilit niyang isinisingit sa set ang pag-aaral ng kanyang lessons sa araw-araw.

Magsisimula na ang Aso ni San Roque, bilang kapalit ng One True Love sa GMA 7.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply