Kakandidatong artista, mamamahayag makapagtatrabaho kahit may COCs na

MALAYA pa rin maipagpapatuloy ng mga kandidatong taga-media at mga artista ang kanilang trabaho kahit nakapag-file na ng kanilang certificate of candidacy(COC).

Ito ang inihayag ngayon ni Comelec Chairman Sixto Brillantes .

Nitong mga nakalipas na halalan ay mahigpit ng ipinagbabawal ng komisyon ang mga kandidatong brodkaster at artista na magprograma sa telebisyon at radyo sa oras na makapag-file ng kanilang COC upang maging patas sa iba pang mga kandidato.

Ayon pa kay Brillantes, tanging ang mga kawani ng gobyerno at itinalagang opisyal ang “deemed resigned” sa trabaho kapag nakapaghain na ng kanilang COC.

Salig, aniya, sa RA 9369 o Automation Law, malayang maipagpapatuloy ng isang mamamahayag o artista ang kanyang radio o TV show hanggang sa mismong campaign period ay tuloy-tuloy sa itinakda ng batas.

Gayunman, sinabi ni Brillantes na bahala na ang mga media networks o outfits na magtatag ng sariling patakaran sa kanilang mga empleyadong kakandidato.

Kahihiyan na rin, aniya, ng mga kandidato kung sasamantalahin ang kanyang trabaho para lamang makalamang sa kalaban.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply