Mamarkahan namin ang plastikadang si Bea Binene!

PINAKAMALAKING award na natanggap ni Angeline Quinto ang Best Female Pop Artist of the Year sa nakaraang 4th PMPC Star Awards for Music. Senyales ba ito na lalong tataas ang talent fee niya?

“Ganoon ba ‘yun? Seryoso, ganoon ba ‘yun?,” bungad niya sa amin nang makatsikahan namin siya.

“Lagi ko namang sinasabi sa mga humahawak sa akin, huwag namang pataas nang pataas. Siyempre, alam ko naman ‘yung mga kumukuha sa akin… kahit papaano mapagbigyan ang mga kliyente. Kasi halimbawa, ngayong taon, kinuha ka, next year kukunin ka ulit, nagtaas na nang ganoong kataas, e, siyempre sasabihin ng produ sa sarili niya, bakit ganoon kataas? ‘Yung iba na lang, “ sey pa niya.

Napadako ang usapan sa maganda nilang pagtitinginan ni Erik Santos. Ipinagmamalaki niya sa aming niregaluhan siya ni Erik ng relo.

“Relo galing Japan. Binigay niya sa akin ngayong taon lang,” kuwento ni Angeline.

“Pag binigyan ako ng kuwintas, white gold, sagot agad,” pagbibiro pa niya.

Pero seryoso niyang sabi…

“Hindi naman nanliligaw basta okey kaming dalawa,” deklara niya.

Ibang glow ng mata niya pag si Erik ang pinag-uusapan?

“seryoso?” balik-tanong niya sa amin.

Pag hindi siya niligawan ni Erik, siya ang manliligaw?

“Siguro,” pagbibiro niyang sagot.

“Mararamdaman naman niya siguro ‘yun,” dagdag pa niya.

Baka crush lang niya si Erik hindi naman love?

“Hindi no, alam kong crush niya ako,” sey niya Si Coco Martin pa rin daw ang crush niya.

‘Yun na!

-0o0-

NALOLOKA kami kay Bea Benine. Pakiramdam namin may sakit itong amnesia o sadyang plastikada lang ang pr niya sa press.

Isa pa naman ito sa paborito naming starlet sa Kapuso network. Naniniwala nga kami na mas sisikat siya at pangmatagalan na lead star ng serye ng GMA 7 kumpara kay Barbie Forteza pero bagsak siya sa amin pagdating sa PR.

Gaya ng ibang young stars, wala pala itong pinagkaiba na marunong lang bumeso at bumati pag nasa presscon. Pero pag nakasasalubong mo na ay deadma at hindi ka na kilala. Ilang beses na rin naming nainterbyu pero hindi pa rin nakakikilala.

Twice na naming nasalubong ang young starlet pero hindi namin siya maramdaman. Una ay nu’ng magdinner kami sa Miyagi at nakita namin siya. Dire-diretso lang ang beauty niya kahit nakangiti na kami sa kanya.

Nasalubong ulit namin ang starlet na ito sa taping ng “Master Showman’ nu’ng Friday kung saan ay magka-holding hands pa sila ni Jake Vargas. Kinamayan kami ni Jake pero ang hitad hindi na naman bumati.

Huwag niyang subukang bumeso sa amin at bumati pag may presscon na kasama siya dahil kami naman ang dedeadma at hindi na magpapahalik sa kanya. Tutal, hindi kami nagmamarka sa kanya puwes mamarkahan na lang namin siya.

Ha!ha!ha!

-0o0-

NAKATUTUWA ang ilang Vilmanians dahil hindi kumampi sa kamalditahan ng isang umiidolo sa Star for All Seasons na si Gov. Vilma Santos. Nangangahulugan na nag-mature na talaga sila at mga edukado. Sila na ang humingi ng despensa sa mga hindi maka-move on na may competition pa rin ang mga Noranians at Vilmanians.

Kahit si Gov. Vi ay hindi nagustuhan ang ginawang comments sa natanggap na award ni Ate Guy sa Venice Filmfest. Kahit ang personal assistant ni Gov. Vi na si Tita Aida Fandialan ay pinapaabot ang paghingi nila ng paumanhin. Galit at hiya ang naramdaman ni Gov. Vi at pinagsabihan na silang huwag manghusga ng kapwa.

Pero dapat rin sigurong mag-behave ang ilang Noranians na nagti-trigger ng away at nagpapasimuno kaya nagre-react ang mga Vilmanians. Noon pa naman sila sinasabihan na ‘wag pumatol lalo’t may kanya-kanyang career na at buhay ang kani-kanilang idolo.

Anyway, malabo pa palang magsama sina Nora aunor at Vilma Santos sa pelikulang gagawin ni Brillanter Mendoza.

Ayon kay Ate Guy sa presscon na inihanda ni Gov. Er Ejercito, leading man niya sa filmfest entry na ‘El Presidente,’ baka sila muna ni Coco Martin ang magsama sa naturang pelikula.

Samantala, maraming pinagkakabalahan si Gov Vilma sa kanyang political career at sa mga kababayan niya sa Batangas kaya sana ‘wag na siyang bigyan ng stress ng isang pasaway na Vilmanian.

Saksi kami nu’ng Sept 8 na kahit umaga ay gising na si Gov. Vilma at sumama siya sa Marian Grand Fluvial Pa- rade sa San Nicolas, Batangas kasama si Mother Lily Monteverde. Inikot nila ang Taal lake na umabot ng apat na oras.

Medyo kabado nga kami dahil sa lakas ng alon at umaambon-ambon pa that time.

Bongga at talbog!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply