Manager ni Charice sinupalpal ang Pinoy

“IT’S kind of wrong to say Jessica is part of Filipino pride when she is American before anything else. If only the people of the Philippines would stop looking elsewhere and focus on local things, maybe they could see the value of many of  the great people and resources there,” sabi ng manager ni Charice na si Courtney Blooding kaugnay sa kini-claim nating isang dangal ng lahing Pinoy ang Filipino-American-Mexican singer na si Jessica Sanchez.

Marami pang pinagkatsang sa kanyang Twitter account ang manager na ito pero kalabisan nang isulat pa natin. Eh, ito lang na kapiranggot na sinabi niya ay alam na natin ang kanyang pinupunto.

Tama na mag-focus tayo sa ating local talents at suportahan natin. Pero ang hindi alam ng tontang si Courtney tayong mga Pinoy ay mapagmahal sa ating kalahi. Kahit nasaang lupalop pa sila, basta may dugong Pinoy sinusuportahan natin. Kung ‘di pa nga natin pinulbos ng ayuda si Jessica, hindi ito magiging kasing-sikat kagaya nang tinatamasa niya ngayon.

Sa mukha pa lang ni Jessica eh, hindi na puwedeng ipagkailang Pinay siya. Nagkataon lang na sa America siya lumaki.

Ang corny mo ah, Ms. Courtney!

***

Dahil sa matinding sakit…
TV host naghinalang pinarusahan na sa kanyang mga kasalanan

TINANONG ng TV host ang kanyang dyulalay kung matindi raw ba ang mga kasalanang nagawa niya para bigyan siya nang matindi ring sakit. Walang naisagot ang dakilang tagasunod kundi ang ngumanga na lang at tumingala sa itaas.
Marahil ang lihim na sagot ng huli ay, “Alam mo na pala magtatanong ka pa!” Hehehe!

Infairness sa host na ‘to, mabait siya. Ang dapat lang nitong alisin sa sistema niya ay ang pagiging plastik at backstabber.

Sa ngayon ay nakabalik na siya sa kanyang trabaho ngunit marami nang bawal sa kanya. Hindi na siya puwedeng magyosi-kadiri at magpuyat. Bawal na rin ang matatabang pagkain at obligado na rin siyang magpapayat.

***

Nature’s Weirdest Events sa Kap’s Amazing Stories

NGAYONG Linggo (September 23), samahan si Sen. Bong Revilla, Jr. sa kanyang pag-iimbestiga sa mga iba’t ibang nakamamanghang phenomena na gumulantang sa mundo sa Nature’s Weirdest Events episode ng Kap’s Amazing Stories.

Alamin kung papaanong nabalutan ng sapot ang isang kotse at ang mga  punong nakapaligid  dito sa isang lugar sa Holland  sa loob lamang ng isang gabi!  Isang village naman sa tabi ng isang lawa sa Switzerland  ang nabalutan ng yelo ng isang linggo.

Mistulang pulang ulap naman ang bumalot sa Sydney  na nagbunga ng maraming ispekulasyon tungkol sa nalalapit na pagkagunaw ng mundo. Lalo pang nagpalala sa mga usapan ang paglamon ng mga locust at daga sa mga palayan sa Australia .

Abangan lahat ng ito sa  Kap’s Amazing Stories  ngayong  Linggo,  pagkatapos ng Pepito Manaloto,  sa GMA7.

***

Aktor kabuntot lagi ang politiko kahit magkaiba ang partido

INIINTRIGA naman ang magandang samahan ng aktor na nangangarap pumasok sa politika at guwapong politiko dahil sa kanilang closeness. Kahit saan magpunta ang una para magpakilala sa lugar na kanyang tatakbuhan ay laging kasama ang huli. Kung minsan nga’y nauuna pa sa venue ang politician.

Bakit naman daw ganun na lamang ang kanilang pagiging malapit sa isa’t isa gayong hindi naman sila magkapartido?

Si aktor na medyo chubby ay may misis na, gayundin naman si Mr. Politician na binata na nga ang mga anak nito.

Sila ba’y parehong klosetang late-bloomer? Hehehe!

Usap-usapan sa kanilang probinsiya na ang nasabing politician ay may dugong malansa dahil ang tatay nitong isa ring betereno na sa politika ay baklita raw.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.       

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply