Manaoag Central School nasunog

DAGUPAN CITY – Nasunog ang lumang eskwelahan ng Manaoag Central School particular sa may Gabaldon area nito kahapon ng madaling araw.

Ayon sa inisyal na report ng lokal ng Bureau of Fire Protection (BFP), naganap ang sunog dakong 3:45 ng madaling arawat ito ay naapula bandang 5:54 ng umaga.

Ang nasabing paaralan ay itinayo pa noong taong 1926.

Sa naturang insidente, ilang mga silid-aralan din umano ang naapektuhan kung kaya’t ang mga ibang estudyante ay nag-aaral na lamang sa mga ilalim ng puno.

Sa kasalukuyan, inaalam pa ng mga arson investigator kung ano ang naging dahilan ng naganap na sunog.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply