Mangingisda nalunod, patay

PATAY ang isang 70-anyos na mangingisda na matapos na malunod sa Southern Leyte dahil sa malakas na pag-ulan na dala ng bagyong Karen.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pumalaot sa karagatan si Juan Cabales, taga-Barangay Bugo, Tomas Oppus, Southern Leyte nitong Setyembre 12 at hindi na nakabalik pa sa kanilang tahanan.

Natagpuan ang bangkay ng biktima sa dalampasgan ng Brgy. Kawayan, Libangon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply